Web and Graphic Design, Lightboxes and Signages and more digital art!

January 10th, 2008 by passionoverdrive

We have a new virtual home@ www.passion-digitaldesigns.com

Our 2008 Budget Packages NOW AVAILABLE

*Web and Graphic Design
*Lighted Signages in Aluminum and Acrylic
*Corporate Branding
and MORE!

Visit our 2008 website to see our promos and latest projects www.passion-digitaldesigns.com

Minsan may Isang Puta (2007)

April 29th, 2007 by passionoverdrive

Minsan_may_isangputa Author’s note:
Maraming salamat sa lahat ng mga nag-fwd, naglathala at nag post sa kanilang mga blog site ng article ko na "Minsan may Isang Puta" ( originally published in http://www.peyups.com/article.khtml?sid=3468 ).

Sa mga hindi pa nakakabasa ay i-po-post ko ang 2007 "upgraded" version at sana ay tumanim sa puso nyo ang kwento. Dinagdag ko na din ang isang reaksyon at sagot ko sa email na ito na "kaaliwan" nyo.

For the non-Filipino speaking readers who posted the article in their blog site, Thank you very much and please accept my regrets for not being able to translate the article in the lingua franca, I’m sure your Filipino-speaking friends can very well interpret the story with much emotion. The article is really meant for my countrymen and I feel that there is no better way to address them than to speak in our mother tongue.

God bless!

++++++++++++++++++++++++++

Minsan may Isang Puta (2007)
-mike.portes@gmail.com

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago?  Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba.  Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa.  Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad?  Baka di na nila ako  balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay  ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko? 

Kanino  bang similya ng demonyo  nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama  ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig.  Talaga bang nakakalula ang materyal na  kayamanan at  mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan. 

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
 
Pilipinas nga pala.

********reply from buzzman********

sino bang kuya’t ate ang sisihin ko? mumurahin ko na bang sarili ko kung nagkakaganito tayo? nay, konting preno, delikado ang drama mo. sa anong takilya kaya kikita ang senti-kulangot na birada mo? di bale, minsan ang FAMAS ay nagkakahalaga ng piso. di ba naibibigay na lang ito sa beso-beso? asan na ba si ate Ruffa ko?

mahal? sino o anong ama ang nagsilang sa amin? di ko alam ang apelyido ko. namulat akong watak ang kanlungan ko. ang away-kapatid ay may bugso ng paglaya, kundi man ito proseso ng paghubog at pagmulat. anong tahanan ang sadyang pinalad mabuo sa langit? sa totoo lang, di ko alam kung ginusto o nagustuhan mo rin ang kainitan ng sidhi. samut sari ang ipinunla ng pagtatalik na dinaan sa dahas. may kwentong namuo, yun ang yamang nagbibigay kulay sa nakaraan ko. tila mali, utak namin ang ginagahasa mo.

punyetang mood to, nakakalito. sa pitong taon ko sa asylum na to, pwede ng maging kumbento! hindi drama ang gamot sa panibugho, at lalong hindi ang karnibal sa Mayo. pati ang Panday ay may agimat ng pagka-Pangulo. Jusko, iisipin ko pa ba ang puti’t sakang na gumahasa sa iyo, gayong kuwarenta milyones na katutubong hintuturo ang nakabaon sa pagitan ng hita mo? nay, ilahad mo ng wasto ang tunay na nakaraan mo’t babalik ang mga kaanak mo. punyetang ina ka, nay, puro drama na lang ba ng kahayukan ang hirit mo. pati tuloy si Diana Booba ay sumisikat sa Hongkong, Thailand, at Timbuktu. kababae mong tao, pagkababae mo mismo ang pinalalabas mong kahinaan mo. ano ka ba, nay, gasgas na yang script mo. halaw na naman ba sa pitak ni Ricky ang punchline mo para magbiro? sikat na po ang eminem show.

mismong anak mo ang sisira sa iyong lelang mo. nung ipinadpad ka sa pusod ng Pasipiko para bira-birahin ng walang sinasantong bagyo, tinatanggap mong tadhana ito. kung karupukan ng tao ang itinatangis mong kalagayan mo, ba’t tayo tinawag na indiyo? nay, sa isang sindi ng yosi, pwede pong magliyab ang mundo. ang punto ko, magbasa ka ng libro. masyado ka ng nawiwili sa kakafinger ng numinipis mong ego. kung gusto mo, puno ng porno ang www. ito ba’y pansin mo?

ina ka namin sa ngalan, anak mo ba kami sa laman? karugtong ng Luzon ang Ryuku. tsino po si Lucio. ang Cojuangco, bat may J at C na nakaipit sa OO? ah JC, hesukristong sugo, di ko mabilang ang Iglesiang sinaniban ng multo-deliryo. kailan lang ba tayo nagpalit ng alpabeto? ang dating daan po ay sinasambang emporyo. anong tumbok ko? nawawala kami sa sariling mga anak mo? at bakit? dahil sa kakadrama mo ng ganito. ang lupang sinilangan ko po, ay jigsaw puzzle na paborito ko. dine-deadma niyo, alaskado tuloy tayo ng mga siyentipiko.

wag niyo pong tanawin na ang nakaraan niyo e kwento ng ginutay-gutay na baro. di kayo nagkauri na winantutri ng kalaguyo, o ibinenta ng sariling supling niyo. tulad po ng bagyo, natural po ang takbo ng kapalaran niyo. parang isang sumpa, na kung di niyo hampasin ng maso, olats kayo. oo, kulelats kayo sa karera ng kabayo kung panay lang ang sundot niyo ng puso. ang pagmamahal po e di ipinupunla sa puso, kundi’y sa utak pinalalago. bat ho ba nadedo ang anak ni miriam santiago, at tila clubhouse ang College of Law? isulat mo po sa noo ni Oble na bago na ang banyo niyo. ni hindi ako makapagshabu sa mga tambayang tatak Greko. daig mo pa ang gecko kung kumapit sa kano, pero panay ang reklamo mo. sila ba’y kapuso o kapamilya ko? punyetang drama to, nay, naman, namannn. hah, makakain na nga lang taho.

taho, tahoooo kayooo jannn!

******* reply from mike_IS_a_she *******

Anak kong buzzman…sali mo na ako dyan sa taho mo.

tara, upo muna tayo. kung magulo utak ko noon eh mas magulo ang utak ko ngayon. lintek kaseng pyesta ito, yung ibang mga kapatid mo, binugaw na naman ako. akala yata sa akin eh laman ng pinyata na pinapapaagaw sa party. haay, buhay…siguro daanin na nga lang muna natin sa taho.

‘lam mo buzzman, di ko matatanggap na "utak mo ay ginagahasa ko", marahil dahil sa ating mga nakaraan kaya di mo maramdaman at makuha ang ibig sabihin ng pagmamahal. napakalaki yata ng aking pagkukulang kaya may mga anak ako na gaya mo na kasing kapal ng kalyo ang puso.

maniwala ka’t sa hindi, mahal kita. oo, tama ka, walang humiling na isilang ka at di ko alam kung kaninong malibog na ama ka nanggaling, kung anak man kita sa laman o anak kita dahil ninais kitang kupkupin. isa lang ang katotohanan, pinasuso kita. naging pagkain mo ang katas ng aking dibidib. inaruga kita hanggang nagkaroon ka ng lakas at pag-iisip. marahil tama ka na ang aking pinagdaanan ay "ang kulay na magbibigay yaman sa ating nakaraan". dapat sana! kaya lang di ko maituturing na yaman ang isang pinagdaanan na halata naman walang natutunan.

ilan sa iyong mga kapatid ang makapagsasabi na may nalalasahan silang talim sa kanilang mga dila tuwing makakatikim sila ng tempura, french fries at ostiya? totoo bang mas masarap ito sa kanilang panlasa kaysa sa cebuanong mangga?

may kurot ba silang nararamdaman sa kanilang mga puso kapag nababasa nila sa dyaryo ang tungkol sa mga kapatid nilang naabuso ng amo sa Singapore at Middle East? mga bunsong babae na ang tanging ambisyon eh mag-japayuki? mga sundalong mala-pyesa ng chess na hinahain sa jolo? mga kuya at ate mong edukado, bulag at bingi naman sa baho ng mga taga-riles at ingay ng mga sanggol na ibinabasura?

at kung meron man kayong nararamdaman, ANO ang ginagawa o gagawin nyo?
sapat ba na ibalik ninyo sa akin ang sisi? basta "AKO" at "KAMI" ay okey bahala na "SILA" sa buhay nila. pasalamat nga kayo na dinadaan ko na lang sa ek-ek ang sama ng loob ko, kung di lang siguro ako ina, nagtampo at ginutom ko na lahat kayo ng malaman nyo kung sino sinasalaula nyo. ngunit ako’y ina.

ako’y isang ina, anak kong buzzman. ina na walang ibang maibibigay sa inyo kundi ang aking ganda. ang ganda na sanay nakapagbigay sa inyo ng dangal at yaman maski madumi ang nakaraan. inang pilit na umaahon sa bawat bagyong dumadaan. ang di ko maintindihan, sa dami ng mga anak ko na sa tingin ko ay kasinggagaling at kasingtatalino mo ay di na tayo nakaangat sa paghihirap. parang supot ng basurang itinapon sa ilog pasig na lulutang lutang, di alam ang patutunguhan.
sabagay, sabi nga nila, ang basurang tinapon mo ay basurang babalik sa iyo. kaya siguro ganito pa rin tayo.

teka buzzman anak, ano ba itong pinagsasabi mong indiyo? di ba’t itong mga inampon kong mga instik eh mas masahol pa sa inyo nung nandito yung coño? eh sila pa ngayon ang may kakayanan na pangitiin ako. di ba basurero lang dati si manong sy? aba’y nagugulat ako sa mga raket nya. di lang sya ang umaansenso kundi pati na rin mga kapatid mong nawili sa piling ko. malay mo bang si ate kikay mo sa bulacan ay magkatrabaho maski contractual lang! at ang mga indiyo kong anak sa pagkasilang, marami na sa kanila ang nakatulong sa mga kapatid mong naiwan. ang mga berdeng pera na naipapasok nila ang tangi kong kinakapitan.
ang nakakailing dyan ay kung sino pa ang nakakaraming wala sa tabi ko at mga tsinoy na anak-anakan ko ay sila pa ang kolektibo.

naku anak, kung alam mo lang, ayaw ko na maging puta at pinuputa, wala si tito sam mo sa puso ko at lalo namang di mo siya kapamilya at kapuso. pero itong ibang mga manoy at manay mo, ewna ko ba, na-adik na sa hershey’s at expedition pati nanay nila walang muhing binubugaw . ay! may mas malala pa dyan, dinuduraan pa ang pangalan ko gayong gumagamit naman ng tabo sa banyo at ang ilong at kulay maski si ate belo mo ang rumetoke ay di mapagkakailang galing sa pusod ko!

anak kong buzzman, wag mo sanang masamain. tatlong round ng beer lang yan bosing. ang nanay mong ito ay di dumadrama para magka-trophy. ang pakiramdaman ko ba ay parang sobra na ang nainom o masama ang tiyan ay gustong may lumabas. kaya wag mo ng tawagin si ate lolit mo at baka ang papa ni ate gretchen mo ay di makaya ang ilalabas ko.

siguro nga ako ay naninibugho, sabihin mo ng masama ang loob kase dati sina aleng saigon at aleng hiroshima, mas malala pa ang inaabot, biruin mo, di lang ginahasa kundi binugbog pa! mas maraming mga anak nila ang naghirap at namatay. akala ko nga di na sila makaka-recover pero ano ka! sobrang sikat na sila ngayon! sa napaka-ikling panahon sila’y nakaahon. ang kanilang mga anak ay taas noo sa pagkilala sa kanilang ina sa buong mundo. nakakahinayang ang kasaganahan nating natikman, ni hindi nga tayo makasabay.

palaisipan sa akin ito, sa iyo din, di ba? nais ko lang naman na muling kilalanin ang sarili ko. sa tulong nyo alam kong magagawa ko ito.
walang santong kabayo ang makakagawa ng mirakulo kung mismong mga anak ko, di mag-uugaling tao…

"ang away-kapatid ay may bugso ng paglaya, kundi man ito proseso ng paghubog at pagmulat" na sinasabi mo ay dapat may aral na kinapupulutan at di lang laman ng pahayagan.

ang "kuwarenta milyones na katutubong hintuturo ang nakabaon sa pagitan ng hita" ko ang magtatakda ng ating kapalaran at tingin ng ating karatig bayan.

kulang ang "magbasa ka ng libro" kung ang utak at puso ay pulo-pulo sa layo. hindi sapat ang kaalaman kung ang tingin natin sa www. porno ay bagay na dapat kaaliwaan lalo pa’t ang starring dito ay iyong kababayan.

wala kang ate o kuyang dapat sisihin at wag mong murahin ang sarili mo. walang delikado sa pagiging totoo sa sarili, di ba? ang pinaka-importante ay may natutunan tayo sa ating pinanggalingan, dilat tayong titingin sa ating dinadaanan at kapit-kamay tayong susulong sa kinabukasan.

salamat sa taho anak kong buzzman, masarap sya at lalo pang sumarap dahil maski alam kong may duda ka sa mga sinabi ko ay nakinig ka. dadating ang panahon na maiintindihan mo ang pagmamahal ng isang magulang lalo pa ng isang ina, dahil kahit saan ka mapunta o kahit ano pa ang inyong marating ay magkabahagi ang dibdib natin. ;)

******to read more comments go to http://www.peyups.com/article.khtml?sid=3468)*******

blog comments Posted by: Joseph Dominic | April 25, 2006 07:16 AM from life_is_a_rose blog site:

"after she gave her name, everything went still.
then I laughed so hard; inwardly.

she’s right of course.
I read her laments once again wanting to make her message sink in deeper.

i thought it was just a typical story of another one of the numerous "prostitutes" in our country.

Only to discover it was our own Philippines talking to us.

Sana mabasa to ng lahat ng Pilipino. Lalo ng yung mga "bida" nyang anak. Yung mga "bumubugaw" sa kanya. Sina Mike Defensor, Raul Gonzales, Eduardo Ermita, at syempre pa. mawawala ba primera uno sa kanila? si Gloria Arroyo."

****** http://lifeisarose.blogs.friendster.com/life_is_a_rose/2006/04/minsan_may_isan.html#comments *****

####Author’s note:Thank you for the following sites which featured the artcle:#####

http://divergentpoles.com/?p=23

http://www.tingog.com/social-concerns/kwento-ng-isang-pokpok.html

http://www.tabulas.com/~the_storyteller/1165512.html

http://lboys.blogspot.com/2005_02_01_lboys_archive.html

http://juansolutions.net/forwardthis/2007/01/12/minsan-may-isang-puta/

http://blog.myspace.com/index.cfm?fuseaction=blog.view&friendID=39731&blogID=2165711&MyToken=e06c789a-f2b8-44ee-b41c-f4d7d53cddfe

A Fresh Summer feel…

March 22nd, 2006 by passionoverdrive

Passion Overdrive launches version 4 (v.4 2006) of its website! We totally took in a whole new look by discarding the mysterious yet constant black and dim web presence. The fresh face of the website incorporates a summer feel with its citrus and sky motif.

Along with the new look comes in our new product -Wedding Websites, an innovative yet affordable way to send invites and share precious moments with friends and family all over the world. We offer ready made templates with links to a bridal registry, gallery, RSVP form, guest book and games. Making each of the couples’ guests enjoy the online presence of the momentous event!

We also usher in new clients who have challenged our team, Check out our website www.passionoverdrive.8k.com

I’m an ORANGE :)

March 16th, 2006 by passionoverdrive

A friend sent me this and found it quite amusing basically because the analysis is true. you might wnat to check it out. i posted my results for anyone up for a rebuttal :)

@gmail.com wrote:

To: mijimaki@yahoo.com
From: kathrina@gmail.com
Subject: Have you seen this?
Date: 18 Jan 2006 22:40:47 PST

Hi Mike,

This test is funny:

What’s Your True Color?
http://web.tickle.com/invite?test=1108&type=t

You can see how I scored at the end.

Kathrina

Mike, your true color is Orange!

You’re a bold, confident orange. A warm, powerful color that indicates a strong, welcoming personality, orange is the mark of people who are social and extroverted by nature. Vibrant, with an upbeat attitude, you have a bright, inviting demeanor. Energetic and fun-loving, you’re a real friend-magnet. Your easy charm and unassuming manner make you the sort of person people want to meet and get to know better. Well-rounded and fun to be around, you enjoy helping others, so it’s no surprise that orange also symbolizes attraction. Orange is an extraordinary color — for an extraordinary person.
http://web.tickle.com/color/compare.jsp

Passion Overdrive’s Version 3.0 in full force

September 1st, 2005 by passionoverdrive

As the rainy season ushers in a number of new projects for Passion Overdrive Digital Services, the website storms in with its totally new layout. The website has continuously been enjoying visitors from all around the globe, bringining in clients based in Singapore, Japan and Middle East. Partnership inquiries emailed from the U.S. was the most surprising input the website ever pulled in.

Version 3.0 in full force, welcomes the latest additions to the portfolio of Passion Overdrive Digital Services:

  • Medidata Technologies Inc., a medical transcription company incorporates our design with its programmer’s database.
  • Innerpath Foundation, a unique place for recovering chemically and substance abused individuals.
  • Full corporate imaging was serviced to Le-Rêve Inc. and award winning Maxx Purified Ionized Alkaline Water Inc.. Quality audiovisual, marketing collaterals (business cards, letterheads, folders with CD/biz cards) and tarpaulin design/printing rendered. See the actual projects by clicking here.

    More websites coming up in the next months as we await the launching of the website of Ann Arbor Montessori Philippines and Tokyo-based Vision Quest Consulting International Ltd.

    We have also included

  • Billboard, Ad sticker and Light Box Design and Installation to our growing list of quality services.

    Heads up! Thank you for appreciating our ART!

  • Click here to Read the feature at Entreprenuer magazine, I.T. Businesses for PhP 100,000

    Arte y el Puta

    May 29th, 2005 by passionoverdrive

    My vNew_pod_1irtual spot just got a tweaking. It showcases the artist’s old passions done the old fashion way, read as non-digital. Those were the days when Art was done with cray pas, watercolor pencils and charcoal. We dare you to feel the soul of the artist, me toucher ici <<<

    I have also added a tag box, which i flooded with the links to the websites that featured my 2004 article "Minsan may isang Puta"…

    Feedbacks on the article, which i wrote to express my deep sentiment on the 2004 elections, continuously surprises sic flatters me to say the least. I got a text last Friday asking permission to re-publish the article in his blog site : http://www.darkblak.dragweb.net/blog/ , Another texted me months back asking if he can use it for his school newspaper. I never thought that the article would create so much impact on so many young minds. To think that the words i used were very graphic but hey how will "putaspeak" be expressed otherwise, right?

    When I was pounding away on my keyboard a year ago to create the article, I was actually venting out the burgeoning disgust I felt for what we may call "system"- aren’t we a stubborn *sic stupid* lot that we never seem to learn anything from our rich history? so i decided to pander on the human emotion and maybe just maybe…well, i guess, it did the trick…well at least to the cerebral population of the virtual world, the article made a lot of sense but to the imbeciles who are supposed to digest the essence of the story, i guess a muriatique approach would serve the article’s purpose.

    So God willing, if my re-edited article hits a place in a known literary competition, maybe then, the belzebub-sent porkheads in office will get OUR drift! *the submitted entry is a revised 10 page version*

    So far, as google had permitted here are some of the links to the sites that have shared my mind:

    Asia’s Finest Discussion Board

    Manila Independent Media

    Gov.ph

    Divergent Poles

    Bible Truths Online

    visit www.passionoverdrive.8k.com to check out more links of my "puta".

    Once again, thank you very very much for sharing my article, a page in my website will be coming up to showcase the links that have featured my "Minsan May isang Puta"  but  for the now, as a small token of thanks -links have been posted in my site.

    more power!

    Flying High

    May 2nd, 2005 by passionoverdrive

    It took three episodes of my life to beckon to the calling.

    At 10 years old, my aunt filled me with glamour stories of the stewardess. Bitter tales of unfair compensation would always find its way in the course of talk . It was an issue for her that an HRM grad of no less than UP Diliman would be earning twice less than a “high class waitress” was. I got the impression that this stewardess job is “groovy”. So I told myself that I would be a stewardess when the time comes. The dream went on until high school, I even have proof of it in my yearbook’s class prophecy.

    When I became a part of UP, I chucked the dream to the bin. Being with “intellectuals”, I placed myself high and told myself , “ Who wants to be a well paid waitress anyway?”. I got myself a fun job in marketing. I partied, dined with the bosses, enjoyed company perks and most of all, I saw myself on press releases and lifetsyle columns. I loved the job until I realize that I was going nowhere financially. Money was spent on corporate outfits, party get-ups and worse I was turning 23. Successful yet bankrupt.

    Then like a cue from above, my bestfriend was having a lay over in Manila. She had been prodding me to join her in the airlines since day one of her training a year before. At that time, being high and mighty as I was, I would spew discouraging remarks for her not to pursue the job. I would spat that she will waste her “Best in Thesis” recognition and relegate herself to a menial job but on that fateful day, she was amazed how calmly I responded to her. In a span of two months, I was declining a promotion and turning over my accounts.

    In the months of February and March, I felt like an aspirant for a beauty pageant. I was shocked, to say the least, at the crowd of ladies wanting to be stewardesses. There were recognizable faces, starlets and competition finalists, the stuff that made me wince and say “What the hell am I doing here?” and there were those who were plain janes like moi. The ladies went in for the interview, and each one came out with a different drama to show. Some were smiling ear to ear while others would run to the ladies’ room crying.

    Yikes and gulp. It was my turn. Thank God, UP made me so confident that even if the previous scenario intimidated me, I slid in the room, head up high. Two foreigners asked and asked. I answered and answered with the “I hope my lips aren’t quivering” thought at the back of my head. I was told to walk with my skirt held above the knee thinking to myself “What the**?!” . I was asked to proceed to another room where I was asked to roll my sleeves while I was being spotlighted. I felt like being interrogated by no less than the CIA! That was only the first day in the series of interviews and tests I had to succumb to.

    Half of the ladies whom I met in the course of application didn’t make it to the initial class for training and a third of those who made it to the initial class didn’t make it to pre-graduation.

    Finally, I was booked for my last training. I was elated to be a psuedo-light attendant. I was taught that there is a difference between a FLIGHT ATTENDANT AND a STEWARDESS. The latter is an obsolete title. The airline crew industry discarded the term when first aid and safety training modules were injected as a prerequisite to graduate as a licensed FLIGHT ATTENDANT. I was almost done with my pre-departure formalities. I was ecstatic when I read and signed my contract. It read “upon completion of your initial training and upon issuance of license…you are to receive a basic salary of (converted to peso at that time) “35,000 pesos” . W-O-W! and I wasn’t even finished going through the benefits. For the sake of poise, I contained the urge to dance the “dance” and exuberantly say “YEEESSS!”.

    Five years in the airlines, gave me more than what I had bargained for.

    In the Philippines, I always wanted to live the good life. I lead that as a flight attendant, my accommodation is not modest and is well kept by a chambermaid. I am chauffered to and from work. I get to stay in the best hotels in the ugliest and prettiest places in the world. The pay is big and my travel is free and in some cases discounted. I get paid while sleeping or shopping. Some people sigh whenever I say the perks that goes with the job. Others remark that the lifestyle is a pay off for a physically but less intellectually demanding career.

    Younger, I wanted to be a hedonist. A Cartier on a wrist , an LV on a shoulder, a Ferragamo on a foot, a Max Mara on a body, Clarins for a face, nightlife in Ibiza, caviar on melba, a sleep at Sun City, a drive along the Riviera.

    When things become at arms reach, it makes you stop and ponder. When there is money to buy your wants, When there is ready access to any part of the world you want to see, When there is a comfortable space sans the burden of maintaining it, Would that quantify happiness and contentment?

    Thank God, I saw others live the life I wanted for myself before I even lived it. I saw a never ending spiral of wants that never seems to be satisfied. I saw ambitions soar while friendships and people break. I saw emptiness.

    I realized that my childhood ambition is an epiphany.

    A need to break away from good merchandising arose. A longing for the basic things in life enticed. A want to satisfy the soul beckoned.

    Happiness and contentment wasn’t packaged in a mall, in a velvet box or in grandiose venues, after all. It is found in a small quarter within yourself.

    Now I find pleasure in the morning breeze, the smell of moist garden soil and the quiet hours of dawn. I find satisfaction in things acquired through striving. I find contentment in prayer. I find happiness within the company of true friends, babies and my partner for life.

    This is what I can truly call, flying high.

    This article has been featured in Peyups.com

    My picture in a magazine

    May 2nd, 2005 by passionoverdrive

    i didn’t know what hit me but when I got a text inquiring for a website. I had the urge to ask as to where the client got my info. She says it’s from ENTREPRENUER magazine. I went like "Ooh yeah…now I remember".

    It was January when a team of photographers went to my domicile, took polaroid shots of poses which I thought would be a cinch to do but i had to guess again. My cheeks hurt and I was tired by the end of the polaroid tests. I never thought they can use up to 5 rolls of film just to take my picture! i would usualy consume that much on a trip to africa or london but not on ONE single entity, not the least on a person like moi :)

    A pose here and a pose there. It felt like graduation or a wedding reception. My smile was becoming fake after 2 rolls, i wanted to suck on ice just to ease my sore cheeks. Lito, the Art director was trying his best to make me exude the perfect smile. I thought being a model would be fun. HAH! i only had one pictorial session and it proved to be sooo tiring. having to let your eyes smile with your grin, giving a look which wasn’t easy to emote since i’ve got people around me, i can hardly guess at the way i was making a fool of myself =)

    the team was a gracious lot, enduring my inabilty to communicate with the lens. to think i’ve been emoting all my life given the opportuntiy to be infront of a mirror. =D

    the pictorial ended well, me exchanging numbers and emails with my new acquaintances.

    So, fast forward to the day when i got that text from a client…As soon as i was done with a meeting, to the bookstore i went and got myself a copy (well, ok, i got 3 copies hehehe. well of course i need this for my file, a copy for mom etc… did i hear you thinking "sure" =P)

    Lo and behold! MY TOOTHY grin on a glossy =D (*i look better in person hahaha)

    My kids were too proud to see their mom in full color on glossy paper and I was more than thankful for the person who goes by the name of Aireen Laserna, whom i’ve never met. Aireen is the author of the article, who actually interviewed me via email.

    I’ve been getting client inquiries via text. I’m busier more than ever. =)

    www.passionoverdrive.8k.com here we go!!! =D

    Moral of the story is start small, dream big and wear a toothy smile to bring in blessings.

    God bless you all!